Mga Kwento ng Binatang Tigang (Sa Pag-ibig)Mula sa mga Pahina ng Single Diaries
3. MU
Sa mga mahal kong tagasubaybay… Ito na ang ikatlong entry sa talaarawan ng lalaking tigang (sa pag-ibig). Bago ako magsimula… I just want to congratulate myself. Akalain mo, kinaya ng utak ko na maka-tatlo? At may bumabasa pa din ng post na ‘to. Saya ko lang.(Insert fireworks here.) ——————————————————— Kung sa ikalawang entry ay pinag-usapan natin ang mga letrang S at M. Sa edisyong ito ay pag-uusapan naman natin ang mga titik M at U. Ito ang isa sa sandamakmak na dahilan kung bakit madaming single ang nagkalat sa mundo. Ang mga may ka-MU. (Hindi Mutual Understanding) kundi ang isyu ng mga…MATAGAL NANG UMAASA.
 Wag kang tatamaan, mamaya na. Ngayon pa lang ako nagsisimula.
 Alam mo ba yung pakiramdam na sweet sayo ang isang tao? Ang sarap sa feeling di ba? Yung parang ang special mo, lagi ka niyang pinapangiti, lagi siyang may surprise sayo, nagkikilitian kayo, pati “I Love You. (With Feelings)” nagsasabihan kayo ; Yung parang formality at “Yes I do.” na lang ang kulang para tawaging KAYO? Pero bigla mong maaalala…Babae: “Bakit kaya ayaw pa niya akong ligawan?” O kaya naman…Lalaki: “Bakit kaya hindi pa maging kami?”  Iyan ang nakakaputang tanong ng mga taong matagal nang umaasa at pinapaasa. Sa panig naman ng mga nagpapa-asa… Kanta lang ang isasagot nila. Ika nga ng Brownman revival…(♩♪♫♬) Marami ang namamatay sa maling akala! (♩♪♫♬) (Sarcasm) Ang masakit pa niyan, yung ka MU mo ay ka MU din pala ng lahat. Generous baga. Mapagbigay. Mapa-lalaki o mapa-babae…Eto yung mga taong para lang naglalaro ng BINGO. May tantos kada letra.
 May karelasyon sa letrang B. Ka-MU sa letrang I. Kalandian sa letrang N. Niloloko sa letrang G. At pinapa-asa sa letrang O. Ingat-ingat baka bumingo. Ingat-ingat, baka mabisto. Kung kanta ng Brownman Revival ang ibabanat ng mga nagpapa-asa… Kanta naman ng Parokya ni Edgar ang isasagot naming mga umasa at kasalukuyang pinapa-asa.(♩♪♫♬)  Wag mo na sana akong pahirapan pa,Kung ayaw mo sakin ay sabihin mo na,Wag mo na sana akong ipaasa sa wala,Oo na mahal na kung mahal kita. (♩♪♫♬) 
Alam naman namin na maraming uma-aligid sa inyo.Pero sana wag niyong ugaliin na…Collect and collect and then select.Isa-isa lang, ano akala niyo samin kamatis?  Kusa naman kaming lalayo. Kesa “paulit-ulit” kaming masaktan. Napakarami kong kilalang ganyan, mga taong pina-asa, pinapa-asa at papa-asahin pa lang. Sabi ni Carmi Martin sa pelikulang (insert movie title here),“Ang pag-ibig ay parang Quiapo, maraming snatcher, maaagawan ka, lumaban ka!” Pero mahirap ipaglaban ang taong kailan man ay hindi naging sayo. Assuming lang. Ganun ba? Hindi ka naman pulitiko kaya wag kang PAASA.Joke lang po yun. At bago pa ako barilin ng mga alagad ni Mayor… Isang kataga ang iiwan ko.Kung walang balak magseryoso.. Wag magbigay ng motibo.SABE?

Mga Kwento ng Binatang Tigang (Sa Pag-ibig)
Mula sa mga Pahina ng Single Diaries

3. MU

Sa mga mahal kong tagasubaybay…
Ito na ang ikatlong entry sa talaarawan ng lalaking tigang (sa pag-ibig).
Bago ako magsimula…
I just want to congratulate myself.
Akalain mo, kinaya ng utak ko na maka-tatlo?
At may bumabasa pa din ng post na ‘to.
Saya ko lang.
(Insert fireworks here.)

———————————————————

Kung sa ikalawang entry ay pinag-usapan natin ang mga letrang S at M.
Sa edisyong ito ay pag-uusapan naman natin ang mga titik M at U.
Ito ang isa sa sandamakmak na dahilan kung bakit madaming single ang nagkalat sa mundo.
Ang mga may ka-MU. (Hindi Mutual Understanding) kundi ang isyu ng mga…
MATAGAL NANG UMAASA.


Wag kang tatamaan, mamaya na.
Ngayon pa lang ako nagsisimula.


Alam mo ba yung pakiramdam na sweet sayo ang isang tao?
Ang sarap sa feeling di ba?
Yung parang ang special mo, lagi ka niyang pinapangiti, lagi siyang may surprise sayo, nagkikilitian kayo, pati “I Love You. (With Feelings)” nagsasabihan kayo ;
Yung parang formality at “Yes I do.” na lang ang kulang para tawaging KAYO?

Pero bigla mong maaalala…
Babae: “Bakit kaya ayaw pa niya akong ligawan?”
O kaya naman…
Lalaki: “Bakit kaya hindi pa maging kami?”

Iyan ang nakakaputang tanong ng mga taong matagal nang umaasa at pinapaasa.

Sa panig naman ng mga nagpapa-asa…
Kanta lang ang isasagot nila.
Ika nga ng Brownman revival…
(♩♪♫♬) Marami ang namamatay sa maling akala! (♩♪♫♬) 
(Sarcasm)

Ang masakit pa niyan, yung ka MU mo ay ka MU din pala ng lahat.
Generous baga.
Mapagbigay.

Mapa-lalaki o mapa-babae…
Eto yung mga taong para lang naglalaro ng BINGO.
May tantos kada letra.


May karelasyon sa letrang B.
Ka-MU sa letrang I.
Kalandian sa letrang N.
Niloloko sa letrang G.
At pinapa-asa sa letrang O.

Ingat-ingat baka bumingo.
Ingat-ingat, baka mabisto.

Kung kanta ng Brownman Revival ang ibabanat ng mga nagpapa-asa…
Kanta naman ng Parokya ni Edgar ang isasagot naming mga umasa at kasalukuyang pinapa-asa.

(♩♪♫♬)  Wag mo na sana akong pahirapan pa,
Kung ayaw mo sakin ay sabihin mo na,
Wag mo na sana akong ipaasa sa wala,
Oo na mahal na kung mahal kita. (♩♪♫♬) 

Alam naman namin na maraming uma-aligid sa inyo.
Pero sana wag niyong ugaliin na…
Collect and collect and then select.
Isa-isa lang, ano akala niyo samin kamatis? 

Kusa naman kaming lalayo.
Kesa “paulit-ulit” kaming masaktan.

Napakarami kong kilalang ganyan, mga taong pina-asa, pinapa-asa at papa-asahin pa lang.

Sabi ni Carmi Martin sa pelikulang (insert movie title here),
“Ang pag-ibig ay parang Quiapo, maraming snatcher, maaagawan ka, lumaban ka!”
Pero mahirap ipaglaban ang taong kailan man ay hindi naging sayo.
Assuming lang. Ganun ba?

Hindi ka naman pulitiko kaya wag kang PAASA.
Joke lang po yun.
At bago pa ako barilin ng mga alagad ni Mayor…

Isang kataga ang iiwan ko.

Kung walang balak magseryoso..
Wag magbigay ng motibo.

SABE?

  1. apictureofus reblogged this from helloninnie
  2. aztroboi said: JORDAN! bakit mo to ginagawa! galing mo magpatama! pinahihirapan mo loob ko. Pero napansin ko bitter ka parin nuh hehehe
  3. turtlehero said: tama. Yung dulong quote yung nanyare sa akin. :)
  4. helloninnie reblogged this from jrdnprs and added:
    BLESS THIS POST!
  5. winirose reblogged this from jrdnprs
  6. legiandary said: Accurate. :)
  7. simplyjelay reblogged this from jrdnprs